Inaanyayahan ng IAM Filipina ang lahat ng mga Pilipina sa Qatar na lumahok sa patimpalak ng sining at panunula ngayong Buwan ng Wika na may temang Wikang Filipino : Tinig ng Makabagong Pilipina.
Bukas ang patimpalak para sa paglikha ng poster at pagsulat ng tula sa lahat ng mga Pilipinang naninirahan sa Qatar na may edad 18 pataas.
Ang lahat ay imbitado sa libreng pagdiriwang na gaganapin sa Agosto 15, 2025 sa Hilton Doha , ika-9 ng umaga.